HINDI dapat singilin ng placement fees ang mga Pilipino na nagnanais mag-trabaho sa Qatar.
Ito, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), alinsunod sa Article 33 ng Qatar Law No. 14 of 2004.
ALSO READ:
Ipinagbabawal ng Qatar Law sa licensed recruitment agencies ang pangongolekta ng recruitment fees, expenses, o iba pang mga gastusin, sa mga manggagawang mula sa ibang mga bansa.
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na ipinababatid nila sa publiko na ang Qatar ay ikinu-konsidera bilang non-placement fee labor-receiving country.
Ibinabala rin ng ahensya na ang mga lalabag sa “no placement fee” policy ay tatanggalan ng lisensya.




