SIYAMNAPU’T walong porsyento ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang nagbukas ng klase, kahapon.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nasa walundaan at apatnapung eskwelahan mula sa iba’t ibang rehiyon ang ipinagpaliban ang kanilang klase bunsod ng epekto ng Bagyong Carina at pinaigting na habagat.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Aniya, ang mga naturang paaralan ay maaring magsagawa ng make-up classes sa mga araw ng sabado para makahabol sa mga naiwang aralin.
Batay sa pinakahuling tala, mahigit labinsiyam na milyong mag-aaral ang nag-enroll sa mga paaralan sa buong bansa, subalit inaasahan ng DepEd na lolobo pa ito sa 27.7 million dahil pinalawig ang enrollment hanggang sa Sept. 16.
