SUMUKO sa militar ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) kasunod ng pagkamatay ng squad leader ng rebeldeng grupo sa Eastern Samar.
Ayon sa 78th Infantry Battalion ng Philippine Army, isinurender din ni Lando Yape, alyas “Rose” mula sa Nalansag ng Apoy platoon ang kanyang mga armas sa mga awtoridad.
Kabilang sa kanyang isinuko ang dalawang M16 rifles, sampung magazines, 284 rounds ng 5.56 mm ammunition, at iba pang war materials, at personal na kagamitan.
Sumuko si Yape sa mga sundalo sa Barangay Domrog, sa bayan ng General Macarthur, dalawang araw matapos mapaslang sa engkwentro ang kanilang squad leader na si Joel Gaurino, alyas “Duran” sa Barangay Osmena.