HUMINGI ng paumanhin si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay sa paggamit niya ng sexually suggestive example para mabigyang-diin ang isang punto sa House Impeachment Hearing noong Martes.
Aminado ang kongresista na deserve niya ang mga natatanggap na batikos hinggil sa kontrobersyal na komento sa aktres na si Anne Curtis.
Inamin ni Suntay na mayroon pang mas magandang analogy o paghahalintulad na maaari niyang gamitin, kaysa sa sexual fantasy.
Sinabi pa ng mambabatas na hindi rin niya masisisi ang mga tao na husgahan ang kanyang pagkatao, base sa isang statement, at kalimutan ang lahat ng kanyang ginawang serbisyo publiko simula noong 1998.




