SIYAM na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Northern Samar.
Idinahilan ng mga rebelde sa pag-abandona sa armadong pakikibaka ang gutom, hirap, at panghihingi ng suporta sa mga komunidad.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Sumuko sina alyas Amboy, Jhonry, Lenlen, Adi, Bobby, Ostoy, Boy, Nap, at Yutot, sa 19th infantry battalion headquarters, sa barangay Opong, sa bayan ng Catubig.
Itinurn-over din nila ang anim na armas na kinabibilangan ng isang R4 rifle, dalawang M16 rifles, dalawang improvised M14 rifles, at isang Carbine rifle, kasama ang anti-personnel mine at dalawang bandoliers.
Makatatanggap ang rebel returnees ng agarang financial assistance at sasailalim sa debriefing, healing, at reconciliation sessions para suportahan ang kanilang muling pakikisalamuha sa lipunan.
