SIYAM ang sugatan nang mahulog ang kanilang sasakyan sa bangin sa Barangay Sto. Domingo, Calauag, Quezon.
Patungong Camarines mula Maynila ang van nang mangyari ang insidente.
Iniwasan umano ng van ang isang paparating na sasakyan dahilan para sumadsad ito sa gilid ng bangin bago bumulusok.