Siyam ang patay, kabilang ang tatlong attackers, habang halos tatlumpu ang nasugatan sa pag-atake sa isang Shi’ite (shee-ayt) muslim mosque sa Oman.
Ayon sa mga opisyal, apat na Pakistani, isang Indian, at isang police officer ang nasawi sa naturang pagsalakay, sa pambihirang security breach sa oil producing gulf state.
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Sinabi ng Oman police na dalawampu’t walo katao na iba’t iba ang nationalities ang nasugatan din sa insidente.
Hindi naman inihayag ng mga awtoridad kung tukoy na nila ang motibo sa pamamaril o kung mayroon na silang mga naaresto.
Samantala, inako ng teroristang grupong Islamic State ang pag-atake sa mosque ng shi’ite muslim.