SIYAM katao ang patay habang mahigit apatnapu ang sugatan makaraang tamaan ng Russian drone ang isang bus na sinasakyan ng mga manggagawa sa Eastern Ukraine.
Nangyari ang pag-atake sa south-central city ng Marhanets sa Dnipropetrovsk Region.
Tinawag ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na “egregiously brutal attack – and an absolutely deliberate war crime” sa isang ordinaryong bus at malinaw na ang target ay mga sibilyan.
Sinabi ni Zelensky na karamihan ng mga nasugatan ay mga babae na nagta-trabaho sa isang mining at processing plant.