IPATUTUPAD na ang pagbebenta ng PHP20 kada kilo ng bigas sa Visayas.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) matapos ang pulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa mga gobernador ng rehiyon araw ng Miyerkules, Abril 23, 2025.
Inanunsyo ni Department of Agriculture (DA) Secretary Kiko Laurel Jr. Ang hakbang bilang katuparan sa pangako ni Pangulong Marcos na pababain ang presyo ng bigas para maibsan ang gastusin ng pamilyang Pilipino.
Ayon sa kalihim ng DA, base sa utos ng pangulo itutuloy-tuloy hanggang 2028 ang programa para sa mababang presyo ng bigas.
Base sa polisiya ng programa, papayagan ang mga bibili ng bigas na P20 per kilo ng hanggang 10 kilo kada linggo para sa isang pamilya.
Ito ay katumbas ng 40 kilo ng murang bigas kada buwan.