PINASALAMATAN ni Finance Sec. Ralph Recto si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa epektibong pamumuno nito sa ahensya.
Ayon kay Recto sa ilalim ng pamumuno ni Lumagui sa BIR, patuloy na nilampasan ang revenue targets nito na higit na nakatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Isinulong din ni Lumagui ang Digital Transformation Program ng BIR kung saan ginawang mas moderno ang sistema ng buwis, nagpadali ng proseso, at nagpalakas ng taxpayer compliance.
Dagdag pa ni Recto, sa ilalim din ng pamumuno ni Lumagui ipinatupad ang Run After Fake Transactions o RAFT Drive kung saan isinulong ang mga kasong sibil, kriminal at administratibo laban sa mga sellers, users, at professionals na sangkot sa pagbebenta at paggamit ng ghost receipts. Si Lumagui ay pinalitan ni Finance Undersecretary Charlito Mendoza na nakapanumpa na sa pwesto bilang bagong BIR commissioner.




