ITINAAS ang Blue Alert sa Disaster Response Command Center ng Department of Social Welfare and Development dahil sa Tropical Depression Basyang.
Ayon sa DSWD, patuloy ang pagbabantay ng kanilang Disaster Response Command Center sa update ng PAGASA sa nasabing bagyo.
Nakikipag-ugnayan na din ang ahensya sa mga concerned national agencies, local government units, at Field Offices para matiyak ang mabilis na responde sa mga lugar na posibleng maapektuhan.
Inalerto na ang lahat ng Field Office ng DSWD at activated na ang Quick Response Teams.




