NAG-umpisa na ang tradisyonal na “Pahalik,” bago ang taunang pista ng Hesus Nazareno sa bukas.
Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, sinimulan ang pahalik, alas syete ng kagabi sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Bago ito ay nagkaroon muna ng misa ng ala sais ng gabi para sa mga volunteers at staff ng Nazareno.
Una nang inihayag ng Manila Police District (MPD) na pansamantalang isasara ang ilang kalsada para bigyang daan ang pahalik.




