NATAGPUAN ang nawawalang FA-50 fighter jet sa Mt. Kalatungan, sa Bukidnon, gayundin ang bangkay ng dalawang piloto.
Ayon sa Philippine Air Force, martes ng madaling araw nang mawala ang fighter jet sa tactical night operation bilang suporta sa ground troops.
ALSO READ:
MGA NEGOSYANTE NG LANGIS, BINALAAN NI PBBM
BREAKING | IDENEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo simula sa Lunes, March 9.
Paglilitis sa graft case ni Dating Senador Bong Revilla, sisimulan sa Apr. 7
Quezon City Rep. Bong Suntay, humingi na ng paumanhin sa bastos na komento patungkol kay Anne Curtis
Sinabi ni PAF Public Affairs Office Chief, Col. Ma. Consuelo Castillo, na nawalan ng komunikasyon ang aircraft bago makarating sa target area.
Inihayag ni Castillo na pasado alas diyes ng umaga kahapon nang matagpuan ang nag-crash na jet fighter na may tail number 002.
