MAKAUUWI na sa Pilipinas, bukas, ang convicted Overseas Filipino Worker na si Mary Jane Veloso, matapos ang mahigit isang dekada.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Tess Lazaro, na 12:50 ng madaling araw ang inaasahang oras ng alis ni Veloso sa Jakarta, Indonesia at lalapag ang sinasakyan nitong eroplano sa Manila ng ala sais ng umaga.
Sa ngayon ay nasa isang pasilidad na sa Jakarta ang convicted ofw mula sa Yogyakarta para sa kanyang repatriation sa Pilipinas.
Una nang kinansela ang pagbisita ng pamilya Veloso kay Mary Jane noong linggo dahil sa nalalapit nitong pag-uwi, at nataon ito bago mag-pasko.
Pinatawan ng parusang kamatayan si Mary Jane dahil sa kasong drug trafficking matapos mahulihan ng 2.6 kilos ng heroin sa kanyang bagahe, sa Indonesia, noong 2010.