INANUNSYO ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na target nilang makumpleto ang multi-billion pesos na halaga ng Power Transmission Infrastructure Projects ngayong taon.
Kabilang dito ang Amlan-Dumaguete Transmission Line na nagkakahalaga ng 1.9 billion pesos; Tuguegarao-Lal-Lo Magapit Transmission, 2.4 billion pesos; Tuy-Dasmariñas Transmission Line Component, 8.1 billion pesos;
Nabas-Caticlan-Boracay Transmission Line, 4.2 billion pesos; at Tacurong-Kalamansig Transmission Line na nagkakahalaga ng 757.98 million pesos.
Sinabi ng NGCP na noong 2025 ay nakumpleto nila ang upgrading at expansion sa 14 substations para mapagbuti ang reliability at stability ng grid.




