BUMABA ng 6.7 percent ang halaga ng metals production sa bansa sa unang kalahati ng 2024, ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Batay sa tala, bumagsak sa 114.77 Billion Pesos ang halaga ng produksyon simula enero hanggang hunyo.
Ayon sa MGB, bunsod ito ng patuloy na pagbaba ng mine output ng gold at nickel ore, bukod pa sa matamlay na presyuhan sa nickel at iba pang nickel products.
Samantala, tinaya naman ng mgb sa 2.84 Billion Pesos ang excise tax na nakolekta na unang anim na buwan ng 2024.