15 March 2025
Calbayog City
Local

Halos 35,000 Opisyal ng Barangay sa Eastern Visayas, sasailalim sa training sa Enero

HALOS tatlumpu’t limanlibong Barangay Officials sa Eastern Visayas ang sasailalim sa Leadership Training simula sa Enero sa susunod na taon upang maihanda sila bilang development partners ng National Government.

Ayon kay DILG Eastern Visayas Regional Director Arnel Agabe, layunin ng training na matiyak na may kakayahan ang mga opisyal ng barangay na gampanan ang kanilang mga tungkulin para sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagsusulong ng kaunlaran sa kanilang mga komunidad.

Aniya, ang training ay hindi lamang para sa mga bagong halal na opisyal kundi para sa lahat ng mga nanunungkulan sa barangay.

Sinabi ni Agabe na masususing tatalakayin sa programa ang Seal of Good Local Governance para sa mga barangay.

Tututukan din sa training ang priority campaigns, gaya ng pagbuo ng Barangay Anti-Drugs Council at pagpapalakas ng kapasidad ng Anti-Drug Council at Peace and Order Council.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *