SA ikaapat na sunod na araw, sumadsad sa bagong all-time low ang halaga ng piso kontra dolyar.
Nagsara kahapon ang palitan ng piso sa 59.87 kontra sa dolyar at mas mahina kaysa sa naitalang rekord noong Biyernes na 59.735.
Ito na ang pinakamababang halaga ng piso sa kasaysayan na dulot pa rin ng nararanasang krisis sa Gitnang Silangan.
Noong Huwebes ay bumagsak din sa 59.385 ang halaga ng piso kontra dolyar.




