INAASAHANG bibilis ang inflation sa katatapos lamang na buwan ng Hulyo at posibleng lumagpas pa ito sa target ng pamahalaan, bunsod ng tumaas na electricity rates at food prices, at iba pa.
Sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas, papalo ang inflation o ang bilis ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, sa pagitan ng 4.0 hanggang 4.8 percent.
ALSO READ:
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Kumpara ito sa 3.7 percent noong Hunyo, at 4.7 percent noong July 2023.
Sakaling pumalo sa 4.8 percent ang July inflation, ito ang pinakamataas sa loob ng siyam na buwan mula maitala ang 4.1 percent noong Nobyembre ng nakaraang taon.