PLANO ng COMELEC na kunin ang serbisyo ng Philippine Coast Guard (PCG) para tulungan ang mga botante sa nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.
Sa panayam, sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na ikinu-konsidera nila ang pagde-deploy ng PCG Personnel, sakaling kailanganin ang kanilang serbisyo sa Halalan sa Oct. 13.
Mahigit P386-M na jackpot prize sa Ultra Lotto napanalunan ng nag-iisang bettor
DMW kumpiyansang maaabot ang 100 percent budget utilization ngayong taon
Dagdag na $100 sa minimum wage ng mga Pinoy domestic helpers ipatutupad ng DMW
Mga Pinoy marino na naipa-deport pauwi ng Pinas, inilapit ni Sen. Raffy Tulfo kay US Ambassador Carlson
Idinagdag ni Garcia na naghahanda na sila sa pag-train ng isanlibong PCG Personnel para maging mga miyembro ng Electoral Board, kung mabigo ang mga guro na magsilbi sa eleksyon.
Paliwanag ng Poll chief, hindi na nila aabalahin ang mga miyembro ng Philippine National Police upang makapag-focus ang mga ito sa pagbabantay sa lugar.
Inihayag ni Garcia na mangangailangan ang COMELEC ng nasa siyamnalibong miyembro ng Electoral Board para sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.