NAGPALABAS ng panibagong Show Cause ORder ang Commission on ELections (COMELEC) kay Pasig City Congressional Candidate Christian “Ian” Sia.
Kasunod ito ng kaniyang pahayag patungkol sa physical appearance ng kaniyang assistant.
Ginawa ni Sia ang pahayag habang idinedepensa ng sarili matapos ng kontrobersiyal na pahayag sa mga single parent.
Tinawag ni Sia ang kaniyang staff na ayon sa kaniya ay “mataba”.
Ayon sa COMELEC, posible itong paglabag sa RA 11116 o Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines for Purposes of the May 12 2025 National and Local Elections and BARMM Parliamentary Elections.
Binigyan lamang ng COMELEC si Sia ng tatlong araw para magpaliwanag.
Ito na ang ikalawang Show Cause Order ng COMELEC kay Sia.