HINDI bababa sa apat katao ang patay habang apatnaraan ang sugatan makaraang libo-libong residente ang sumugod sa mga lansangan ng Kenya para mag-protesta laban sa administrasyon ni President William Ruto.
Nagpang-abot ang mga pulis at mga demonstrador sa kabisera na Nairobi at sa iba pang mga lungsod, isang taon mula nang mangyari ang madugong Anti-Government Demonstrations sa bansa noong 2024.
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Libo-libong katao, nagluksa para sa mga biktima ng suicide bombings sa Islamabad
Ipinagbawal ng pamahalaan ang live TV at radio coverage ng mga kilos-protesta, subalit kinontra ito ng High Court sa Nairobi.
Hinimok naman ni Ruto ang mga demonstrador na huwag ilagay sa alanganin ang kapayapaan at katatagan ng bansa, sa gitna ng pagpupumilit ng mga raliyista na makarating sa kanyang Official Residence subalit itinaboy ang mga ito ng mga pulis.
