21 February 2025
Calbayog City
Metro

P8.8-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa buy-bust sa Makati City

TINATAYANG 1,300 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 8.84 million pesos ang nakumpiska ng otoridad at dalawang suspek ang nahuli sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Antonio, Makati City.

Ang mga suspek ay kinilala sa mga alyas “Wewel,” 28-anyos, at alyas “Madam,” 28-anyos.

Sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) nakabili umano ng droga na nagkakahalaga ng P1-milyon ang police poseur buyer sa mga suspek na nagresulta ng kanilang pagkaaresto at narekober ang karagdagang mga ebidensiyang umano’y shabu, mobile phone, shoe bag, eco bag, at buy-bust money.

Inihahanda ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawang suspek sa Makati City Prosecutor’s Office.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).