TUMANGGAP ang National Amnesty Commission (NAC) ng aplikasyon mula sa apatnaraan tatlumpu’t tatlong dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Eastern Visayas simula noong December 2024.
Mula sa 433 na natanggap na amnesty applications, 334 ang nai-proseso ng local amnesty board sa Catbalogan City para sa Samar, habang 99 ang in-apply sa Tacloban City lab para sa Leyte.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas press briefing, sinabi ni NAC Chairperson Leah Tanodra-Armamento, na malaking hakbang ang amnestiya patungong community reintegration ng mga dating rebelde, na ang mga buhay ay nasira ng ilang dekadang pakikibaka laban sa pamahalaan.
Ang mga krimen na tumutukoy sa Acts of Rebellion ay pasok sa amnesty coverage habang ang private offenses, gaya ng rape ay hindi kasali.
Idinagdag ni armamento na ang mga aplikasyon ay dadaan sa iba’t ibang opisina, kabilang ang National Bureau of Investigation, bago sumailalim sa beripikasyon upang makumpirma na ang mga krimen na hindi saklaw ng amnesty ay hindi bibigyan ng pardon.
