UMAPELA ang Philippine Chamber of Commerce and Industry sa pamahalaan na agad nang gumawa ng mga hakbang para masolusyonan ang mga nakaambang epekto sa Pilipinas ng nagaganap na kaguluhan sa Middle East.
Ayon sa PCCI, dahil one hundred percent ng suplay ng crude oil sa Pilipinas ay galing sa Gitnang Silangan, dapat ay naghahanap na ng paraan ang pamahalaan para sa alternatibong pagkukuhanan ng fuel supply.
Dapat din ayon sa Department of Energy na madaliin ang pagkakaroon ng renewable energy at domestic energy alternatives bilang long-term structural solution.
Ayon sa PCCI, dahil mayroong mahigit dalawang milyong Overseas Filipino Workers sa Gitnang Silangan, dapat agad nang i-activate ng Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs, at ng OWWA ang kanilang emergency protocols.
Sinabi rin ng grupo ng mga negosyante na ang mga OFW na uuwi sa bansa ay dapat siguraduhing mabibigyan ng livelihood at reintegration support.



