11 February 2026
Calbayog City
National

Chinese Embassy, tinawag na Anti-China ang resolusyon ng Senado

KINONDENA ng Chinese Embassy sa Manila ang ipinasang resolusyon sa Senado na tumutuligsa sa mga public statement na inilalabas ng embahada ng China laban sa mga opisyal ng bansa.

Sa pahayag tinawag ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng na Anti-China ang resolusyon ng Senado. 

Ayon sa Chinese official, ilang mambabatas sa Pilipinas ang paulit-ulit na nagbabanta at binu-bully ang mga Chinese diplomats. 

Nagpapanggap umano ang mga senador na inihahayag lang nila ang opinyon ng publiko pero ang totoo ay binabaluktot ang katotohanan. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).