MAKAKASAMA muli ni Liza Soberano ang kanyang onscreen partner na si Enrique Gil sa isang undisclosed project.
Gayunman, nilinaw ng aktres na pinaghahandaan pa nila ang tamang konsepto na babagay sa kanilang dalawa.
Tiniyak naman ni Liza ang kanyang comeback project kasama si Enrique ay ire-release aniya “in next year or two” dahil kailangan aniyang fleshed out ang concept.
Idinagdag din ng aktres na bukas siya sa pagtanggap ng teleserye at gusto niyang subukan ang iba’t ibang characters at genres.