NAGLABAS ang Northern Samar Provincial Government ng kabuuang 1.33 million pesos na halaga ng stipends at allowances sa tatlumpu’t isang nursing scholars.
Bahagi ito ng patuloy kanilang patuloy na commitment na suportahan ang future healthcare workforce ng lalawigan.
ALSO READ:
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Bawat scholar ay tumanggap ng 43,000 pesos para sa stipend, book at uniform allowances, na makatutulong para makabawas sa kanilang gastusin pagpasok nila sa second semester ng Academic Year 2025-2026.
Bukod sa allowances na direktang ibinigay sa mga estudyante, sagot din ng Provincial Government ang related learning expenses ng mga scholar, na kanilang binayaran sa partner schools.
