NIYANIG ng pagsabog ang Russian Munitions Factory sa Urals na ikinasawi ng hindi bababa sa sampu katao, ayon sa gobernador ng rehiyon.
Ayon kay Governor Alexei Teksler, labinsiyam na iba pa ang nasugatan sa pagsabog na nangyari sa Kopeisk District ng Chelyabinsk Region, na nasa border ng Kazakhstan.
ALSO READ:
11.1 billion dollars na arms package para sa Taiwan, inaprubahan ng Amerika
US President Donald Trump, pinalawak ang US Travel Ban sa 5 pang bansa
Mahigit 100 sibilyan, nasawi sa drone attacks sa Kordofan Region sa Sudan ngayong Disyembre
Naaksidenteng school bus sa Colombia, pumatay ng 17; 20 iba pa, sugatan
Hindi sinabi ng gobernador kung anong Factory ang sumabog, bagaman sa Verified Video, nakuhanan ang apoy sa kalsada malapit sa Plastmass Plant na nagpo-produce at nagre-recycle ng Explosives para sa Russian Military.
Hindi rin binanggit ng mga awtoridad ang dahilan ng pagsabog, bagaman binigyang diin ni Teksler na hindi “Drone Attack” ang naturang insidente.
