NAIS ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-adjust ang working hours ng national government agencies sa National Capital Region upang maibsan ang mabigat na trapiko.
Naniniwala si MMDA Chairperson Romando Artes na kung lahat ng ahensya ng pamahalaan ay magpapatupad ng 7am to 4pm working hours, mararamdaman talaga ang magandang epekto nito.
ALSO READ:
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Idinagdag ni Artes na posibleng magsumite sila ng report at rekomendasyon sa Office of the President.
Halos dalawang milyong empleyado aniya ang inaasahang makaiiwas sa bugso ng mga commuter sa kasagsagan ng matinding trapik tuwing alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi, kapag inaprubahan ang kanilang rekomendasyon.