4 July 2025
Calbayog City
Entertainment

Buboy Villar, masaya sa kanyang non-showbiz girlfriend; kanilang anak, ipinakilala sa publiko

INAMIN ng komedyanteng si Buboy Villar na masaya siya sa kanyang relasyon sa non-showbiz girlfriend na si Isay Sampiano, at sa pagiging magulang sa kanilang three-month-old baby na si Kyrie.

Isinapubliko ni Buboy ang kanyang bagong relasyon, sa pamamagitan ng joint instagram post, kung saan binati ni Isay ang actor-comedian sa 27th birthday nito noong Biyernes.

Kasama rin sa post ang litrato ng couple na kalong ang kanilang anak na tila kuha sa isang intimate gathering.

Unang inamin ni Buboy ang kanyang relasyon kay Isay sa “Your Honor” podcast, kung saan sinabi niya na ginawa niya ang first move sa pamamagitan ng pag-send ng message sa online.

Idinahilan din ng komedyante na pinanatili niyang pribado ang relasyon nila ni Isay upang makaiwas sa atensyon ng publiko, at ayaw niyang pangunahan siya ng mga tao.

Si Buboy ay mayroong dalawang anak na sina Vlanz at George Michael, sa kanyang dating non-showbiz girlfriend na si Angillyn Gorrens.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).