AABOT sa 75 million pesos na halaga ng pekeng footwear products ang kinumpiska ng mga awtoridad mula sa tatlong warehouses sa Bulacan, na nagresulta rin sa pagkakadakip ng apat na chinese nationals.
Sinabi ni PNP-Criminial Investigation And Detection Group (CIDG) Chief, Major Gen. Nicolas Torre III, na sabay-sabay na ni-raid ang tatlong warehouses ng Elite Globus Prime Holdings Corp. Sa Meycauayan City.
Malaking bulto ng hinihinalang mga pekeng crocs ang nasamsam ng mga tauhan ng CIDG.
Kinilala naman ang mga inarestong chinese na sina Weibin, Zhenpan, Youding, at Wang, na umano’y mula sa Elite Globus Prime Holdings.