PATAY ang pitumpu’t apat na taong gulang na ginang makaraang pagtatagain ng kanyang sariling anak sa Talisay, Batangas.
Natutulog sa sofa ang biktima nang isagawa ng suspek ang krimen sa kanilang bahay, sa Barangay Aya.
Ayon sa mga otoridad, matapos pagtatagain ang ina ay tinarget naman ng suspek ang katabing bahay ng kanyang pinsan at ito naman ang pinagtataga niya, pati na ang dalawang pamangkin.
Naaresto naman ang lalaki sa follow-up operation ng mga pulis subalit wala pa ring linaw kung bakit nito ginawa ang krimen.