HINDI bababa sa pito katao ang patay nang bumagsak ang isang UPS Cargo Plane habang pa-take-off mula sa Airport sa Louisville, Kentucky.
Ayon kay Kentucky Governor Andy Beshear, kabilang sa posibleng mga nasawi ang tatlong crew members matapos sumabog ang Freight plane habang paalis ng Louisville Muhammad Ali International Airport.
ALSO READ:
Labing isa naman ang nasugatan nang mag-crash ang eroplano na nagdulot ng makapal at maitim na usok sa kalangitan.
Nagbabala ang mga opisyal na matinding Injuries ang tinamo ng mga biktima sa naturang insidente habang posibleng tumaas pa ang Death Toll.
Nagsasagawa na ng Preliminary Investigation, subalit sinabi ng mga awtoridad na masyado pang maaga para matukoy ang dahilan ng trahedya.




