NI-nominate ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pitong bagong Philippine envoys, ayon kay Surigao Del Sur Rep. at Commission on Appointments Assistant Minority Leader Johnny Pimentel.
Ayon sa mambabatas, ang mga nominado ay kinabibilangan nina:
- Evangeline Ong Jimenez-Ducrocq – Philippine Permanent Representative to the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Jakarta, Indonesia;
- Bernadette Therese Fernandez – Ambassador to South Korea;
- Maria Teresa Almojuela – Ambassador to Germany;
- Alan Deniega – Ambassador to Poland, na may Concurrent Jurisdiction sa Lithuania at Ukraine;
- Gines Jaime Ricardo Gallaga – Ambassador to Bahrain;
- Marlowe Miranda – Ambassador to Lebanon; at
- Arvin De Leon – Ambassador to Mexico, na may Concurrent Jurisdiction sa Caribbean Nations na Cuba at Dominican Republic, pati na sa Central American Countries na Belize, Costa Rica, El Salvador, Guatemala, Honduras, Nicaragua, at Panama.
Ipinaliwanag ni Pimentel na hindi gaya sa Ad Interim Appointments na epektibo agad habang naghihintay ng kumpirmasyilon, ang mga nominee ay hindi maaring manungkulan hangga’t walang permiso ng komisyon.