HALOS trumiple ang Gross Borrowings ng National Government noong Agosto sa gitna ng tumaas na Domestic at Foreign Borrowings.
Sa pinakabagong datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo ng 192% o sa 508.53 billion pesos ang Total Gross Borrowings noong Agosto mula sa 174.03 billion pesos na inutang sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas malaki rin ito ng 206% kumpara sa 166.11 billion pesos noong Hulyo.
Ang Domestic Borrowings na binubuo ng 97.97% ng kabuuang inutang ay umakyat ng 198% o sa 498.21 billion pesos noong nakaraang buwan mula sa 167.05 billion pesos noong August 2024.
Ang External Borrowings naman na pangunahing binubuo ng Project Loans ay tumaas ng 47.57% o sa 10.31 billion pesos mula sa 6.99 billion pesos na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.




