NANALO ang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ng Box Office Hit Award sa 2025 Manila International Film Festival sa Los Angeles, California.
Sa instagram post, sina GMA Pictures President, Atty. Anette Gozon-Valdes at ABS-CBN Films Head Kris Gazmen ang tumanggap ng award.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sinabi ng GMA Pictures na nakamit ng pelikula ang prestihiyosong pagkilala mula sa MIFF makaraang tumabo ng 1.6 billion pesos na gross sales.
Hawak ng “Hello, Love, Again” ang highest-grossing Filipino film of all time.
Sequel ito ng 2019 blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye,” na kinunan sa Canada, limang taon matapos maghiwalay ang karakter nina Joy at Ethan sa Hong Kong.
