ISA na namang crane sa Thailand ang bumagsak sa kalsada malapit sa kabisera nito na Bangkok.
Dalawang sasakyan ang nabagsakan nito na nagresulta ng pagkasawi ng dalawa katao.
Nangyari ito isang araw matapos ang kaparehong aksidente sa Northeast Thailand na nagresulta sa pagka-diskaril ng tren at ikinasawi ng tatlumpu’t dalawang pasahero.
Ayon sa transport minister ng Thailand, sangkot din sa panibagong crane accident sa Samut Sakhon Province ang construction firm na Italian-Thai Development.




