ISINARA sa mga motorista ang isang bahagi ng National Highway sa Pagudpud, Ilocos Norte, bunsod ng “major” landslides, ayon sa Regional Department of Public Works and Highways.
Sa advisory, isinara sa trapiko ang bahagi ng Manila North Road patungong Barangay Pancian dahil sa pagguho ng malaking bahagi ng lupa, kasunod ng maulang panahon sa lugar noong nakalipas na linggo.
Ayon sa Punong Barangay ng Pancian na si Jessie Lagundino, nasa labinlimang metro ang haba ng landslides na sinimulan nang linisin ng DPWH.