NA-ospital sa Malaysia si King Harald ng Norway dahil sa infection, ayon sa Norwegian Royal Household.
Ang walumpu’t pitong taong gulang na monarch ay nasa pribadong biyahe sa Southeast Asian Country nang magkasakit.
Sinabi ng royal household na maayos namang naalagaan ng Malaysian at Norwegian Medical Personnel ang hari.