LABINDALAWANG kilo ng hinihinalang shabu na tinayang nagkakahalaga ng 81.6 million pesos ang nakumpiska ng Southern Police District (SPD), sa Pasay City.
Nasakote rin sa operasyon sa Barangay 76 ang isang High-Value Individual na kinilala lamang sa alyas na “Farhanie,” dalawampu’t anim na taong gulang.
ALSO READ:
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Public school teacher, nasawi sa gitna ng classroom observation sa Muntilupa City
Nakuha mula sa suspek ang dalawang kulay green na eco-bags na naglalaman ng anim na malalaking pakete ng hinihinalang shabu.
Ipinadala na sa SPD Forensic Unit ang mga droga para sa laboratory examination habang nakatakdang i-inquest ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.
