KULANG pa rin para sa Akbayan Partylist ang pahayag ng Malakanyang na pinagagawang prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang panukalang batas kabilang ang Anti-Dynasty Bill.
Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendña, hindi sapat na i-prioritize lamang kundi dapat sertipikahang urgent ng pangulo ang mahahalagang panukalang batas.
Sa pahayag ng Malakanyang, inatasan ni Pangulong Marcos ang kongreso na gawing prayoridad ang Anti-Dynasty Bill, Independent People’s Commission Act, Party-List System Reform Act, at ang Citizens Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability.
Para kay Cendaña taktika lang ito ng Palasyo lalo at hindi maganda ang imahe ngayon ng Administrasyong Marcos.
Ani Cendaña isa itong halimbawa ng kasabihang “ang politikong gipit, sa reporma kumakapit.”




