14 November 2025
Calbayog City
National

Mayor sa Rizal, Cagayan, patay sa pamamaril habang nasa campaign rally; 2 iba pa, sugatan

PATAY ang kasalukuyang alkalde ng bayan ng Rizal sa lalawigan ng Cagayan matapos barilin habang nasa campaign rally Miyerkules (Apr. 23) ng gabi.

Naisugod pa ang biktimang si Mayor Atty. Joel Ruma sa Tuao District Hospital subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ang alkalde.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado alas nuebe ng gabi nang pagbabarilin ang alkalde sa loob ng Gymnasium ng Barangay Iluru.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).