IBINABA ng World Bank ang growth forecast nito para sa Pilipinas sa 3.7% ngayong taon, dahil sa epekto sa ekonomiya ng kaguluhan sa Middle East.
Tinaya ng World Bank sa 3.7% ang Gross Domestic Product (GDP) growth ngayong 2026, lubhang mas mababa kumpara sa naunang projection na 5.3%.
Mas mabagal din ito kumpara sa post-pandemic low na 4.4% noong 2025 at mas mababa sa GDP target range ng pamahalaan na 5 to 6% para sa kasalukuyang taon.
Sinabi ni Aaditya Mattoo, Director of Research ng World Bank Group, na batay sa kanilang main projection, bababa ngayong 2026 ang overall growth sa East Asia and Pacific Region.
Aniya, karamihan ng mga bansa sa rehiyon ay magiging mabagal ang paglago ngayong taon kumpara noong 2025, subalit posibleng makabawi naman pagsapit ng 2027.




