Susuriin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kondisyon ng makalawang at sira-sirang railings sa tide embankment sa Tacloban City.
Sinabi ni Adelina Gomez, Officer-In-Charge ng construction division ng DPWH-8, na hindi na nakapagtatakang kalawangin ang railings dahil gawa ito sa galvanized iron pipes at exposed sa elements.
Aniya, nag-request na ang kanilang opisina ng pondo para sa maintenance ng 27.3 kilometers na tide embankment.
Ang Leyte tide embankment ay isang national coastal infrastructure na inaasahang magbibigay ng proteksyon sa coastal areas ng Tacloban City, at mga bayan ng Palo at Tanauan, na kabilang sa mga lubhang naapektuhan ng super typhoon yolanda noong 2013.