8 November 2024
Calbayog City
National

Mga katutubong apektado ng Kaliwa Dam Project, nanawagan ng dayalogo sa pamahalaan

kaliwa dam project bayanihan

Nanawagan ang grupong Bayanihan para sa Kalikasan Movement Inc. sa pamahalaan na magpatawag ng dayalogo para sa mga katutubo na maaapektuhan ng Kaliwa Dam Project.

Sa isang panayam, sinabi ni David D’Angelo, environmental activist, at presidente ng Bayanihan para sa Kalikasan Movement Inc., na partikular na maapektuhan ang mga katutubong dumagat na naninirahan sa lugar na pagtatayuan ng proyekto.

Sa ngayon sinabi ni D’Angelo na patuloy ang paggawa ng tunnel para sa Kaliwa Dam Project na ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay target na matapos sa taong 2027.

Sinabi ni D’Angelo na magtatayo ng mahigit 60 meters na taas ng dam at ilang barangay na sakop ng ancestral domain ng mga dumagat ang malulubog dahil dito.

Maliban dito, dahil sa pagbutas sa sierra madre ay masisira ang integridad ng bundok.

Aniya ilang ulit ng humiing ng dayalogo ang mga katutubong dumagat subalit walang humarap sa kanila mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mula sa MWSS.

Naniniwala ang grupo na bilang pangulo ng bansa, nasa kamay ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapahinto sa naturang proyekto.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *