HALOS gumuho nang buo ang malaking tulay sa Baltimore City sa US makaraang mabangga ito ng container ship, na nagresulta rin ng pagkahulog ng mga sasakyan at nasa dalawampung katao sa tubig.
Sa footage, tumama ang 300-meter vessel sa footing ng Francis Scott Key Bridge, dahilan para bumagsak ang tulay na bakal sa Patapsco River.
Nakita rin umano ng ilang maliliit na pagsabog sa mabilis na pagguho ng tulay.