NADAGDAGAN pa ang naitalang kaso ng super flu cases sa bansa noong nakaraang taon.
Ayon kay Department of Health secretary Spokesperson Albert Domingo, hanggang noong buwan ng disyembre umabot sa 63 cases ng super flu ang naitala sa bansa.
ALSO READ:
Pero paglilinaw ni Domingo wala nang aktibong kaso ng sakit sa Pilipinas.
Lahat kasi ng tinamaan ng sakit ay naka-recover na.
Ayon sa DOH, ang super flu ay variant ng influenza a at hindi ito isang bagong uri ng sakit.
Ang sintomas nito ay kahalintulad ng pangkaraniwang trangkaso gaya ng ubo, sipon, lagnat at pananakit ng katawan.




