14 November 2025
Calbayog City
Province

600 million pesos na halaga ng expired na karne, nakumpiska sa Bulacan

TINAYA sa animnaraang milyong pisong halaga ng expired na frozen meat, na umano’y ginagawang siomai at hotdog, ang nakumpiska sa isang cold storage house sa Meycauayan, Bulacan.

Armado ng search warrant, sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Luzon Regional Office ang warehouse na naglalaman ng kahon-kahong imported meat products, na ang karamihan ay may amag na, nabubulok, at hindi na maaring kainin.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).