20 August 2025
Calbayog City
National

60-araw na Import Ban sa bigas, iniutos ni Pangulong Marcos

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 60-araw na suspensyon sa lahat ng importasyon ng bigas simula sa Setyembre 1, 2025.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, layunin ng utos ng pangulo na maprotektahan ang mga lokal na magsasaka sa pagbaba ng presyo ng palay ngayong panahon ng anihan.

Sinabi ni Gomez na habang nasa limang araw na State Visit sa India
ay kinonsulta ng pangulo ang mga miyembro ng Gabinete nito.

Una nang inirekomenda ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel kay Pangulong Marcos na taasan ang taripa sa mga imported na bigas.

Ayon sa kalihim, ito ay para maiwasan ang pagkalugi ng mga lokal na magsasaka.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).